Ano ang nasa Balota?
Sa pahinang ito, mahahanap ninyo ang impormasyon tungkol sa mga lokal at pang-estadong gabay para sa botante, suriin ang mga labanan sa inyong balota para sa nalalapit na eleksyon, at makita ang sertipikadong listahan ng mga write-in (isinusulat lamang) na kandidato.
Mga Gabay ng Impormasyon para sa Botante
Para sa bawat eleksyon, naglalathala ang Departamento ng mga Eleksyon ng San Francisco ng hindi maka-partidong Voter Information Pamphlet (Pamplet ng Impormasyon para sa Botante, VIP) na may layuning magbigay ng impormasyon ukol sa pagboto, mga kandidatong tumatakbo para sa panlokal at ilang pang-estado at pampederal na katungkulan, at mga lokal na panukalang batas sa balota. Nakapaloob din sa inilimbag na VIP ang inyong halimbawang balota. Maaari ninyong gamitin ang inyong halimbawang balota sa pageensayo sa pagmamarka sa inyong mga napili bago ninyo markahan ang inyong opisyal na balota.
Makukuha ang VIP online sa mga format na PDF, HTML at XML, o MP3 sa sfelections.org/vip at maaari ding hilingin sa malaking pagkaka-imprenta, CD Audio, USB, at National Library Service (NLS) cartridge.
Nais ba ninyong makatipid ng papel? Alinsunod sa batas pang-eleksyon, kailangang padalhan ng mga opisyal ng eleksyon ang lahat ng rehistradong botante ng naka-imprentang kopya ng gabay sa mga botante sa koreo, maliban na lang ang mga tumangging mapadalhan ng naka-imprentang kopya at ginusto ang elektronikong pagpapadala. Para piliin o tanggihan ang pagpapadala sa koreo ng naka-imprentang kopya ng gabay para sa mga botante, mangyaring isumite ang inyong kahilingan sa Voter Portal o tumawag sa (415) 554-4310.
Maaari ninyong dalhin ang inyong mga gabay para sa botante sa inyong lugar ng botohan. Mayroon ding mga kopya ang bawat lugar ng botohan.
![]() |
![]() |
|
---|---|---|
Kailan ito mababasa online? | Humigit-kumulang 5 linggo bago ang Araw ng Eleksyon | Humigit-kumulang 4 linggo bago ang Araw ng Eleksyon |
Saan ito mababasa online? | Pamplet ng Impormasyon para sa Botante, Hunyo 7, 2022 na Eleksyon (PDF) voterguide.sfelections.org ng Impormasyon para sa Botante (Malalaki ang Letra PDF) |
voterguide.sos.ca.gov |
Kailan ito ipadadala sa koreo? | Humigit-kumulang 4 hanggang 5 linggo bago ang Araw ng Eleksyon |
Humigit-kumulang 4 hanggang 5 linggo bago ang Araw ng Eleksyon |
Hunyo 7, 2022, Pinagsamang Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon
Sa Hunyo 7, 2022 na eleksyon, lahat ng botante sa lungsod ay boboto sa mga labanan para punan ang mga katungkulang pang-estado at pampederal, pati na rin ang opisina ng Abugado ng Lungsod ng San Francisco. Mayroon ding walong panukalang-batas sa balota kasama na rito ang panukala para sa recall o pagpapaalis sa katungkulan ng Abugado ng Distrito ng San Francisco.
Maaaring nagbago na ang inyong pinagbobotohang distrito bilang resulta ng natapos kamakailan lamang na senso at proseso ng muling pagdidistrito.
Maaari ninyong suriin ang mga bagong mapa ng pinagbobotohang mga distrito sa San Francisco sa sfelections.sfgov.org/maps. Para matiyak ang inyong pinagbobotohang distrito, gamitin ang online tool ng Departamento ng mga Eleksyon sa sfelections.org/myvotingdistrict o gamitin ang Voter Portal, tumawag sa (415) 554-4310 o mag-email sa sfvote@sfgov.org.
Isinusulat-Lamang na mga Kandidato
Ang isang kuwalipikadong isinusulat-lamang na kandidato ay isang taong nag-sumite ng mga kinakailangang dokumentasyon para tumakbo bilang kandidato, pero hindi makikita ang kanyang pangalan sa balota. Ang mga isinusulat-lamang na boto na maaaring bilangin ay mga boto para sa mga kuwalipikadong kandidato lamang.
Pindutin ito para makita ang Sertipikadong listahan ng mga kuwalipikadong isinusulat-lamang na kandidato para sa Hunyo 7, 2022, Pinagsamang Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon. Makakukuha rin ng mga kopya ng listahang ito sa bawat lugar ng botohan at sa Sentro ng Botohan sa City Hall.
Hindi pinapayagan ang mga isinusulat-lamang na mga kandidato sa pangkalahatang eleksyon para sa mga katungkulang nominado ng botante. Para bumoto sa kuwalipikadong isinusulat-lamang na kandidato na hindi nakalista sa balota, isulat ang pangalan ng kandidato sa espasyo sa dulo ng listahan ng mga kandidato at punan ang oval.