Mga Bagong Linya ng mga Pinagbobotohang Distrito para sa 2022
Habang kayo’y naghahandang bumoto para sa Nobyembre 8, 2022, Pinagsamang Pangkalahatang Eleksyon, mangyaring tandaan na maaaring nagbago na ang isa o higit pa sa inyong pinagbobotohang mga distrito at/o presinto mula noong huli kayong bumoto, bilang resulta ng kamakailang redistricting o muling pagdidistrito. Muling pagdidstrito ang tawag sa kada-dekadang proseso kung saan ginagamit ng pang-estado at pampederal na mga komite ng muling pagdidistrito ang datos mula sa pederal na Senso upang gumuhit ng bagong mga mapa ng pinagbobotohang distrito para mapanatili ang pantay na dami ng tao sa bawat pinagbobotohang distrito.
Nagkabisa ang bagong mga mapang pampederal at pang-estado ng mga pinagbobotohang distrito ng Lungsod noong Hunyo 7, 2022 na Eleksyon at ang mga bagong mapa para sa BART at Superbisoryal na distrito ay magkakabisa naman sa Nobyembre 8, 2022 na Eleksyon.
Ang address ng inyong tirahan ang tutukoy kung saang pinagbobotohang mga distrito kayo nakatira, at sa mga labanan at kandidato na makikita ninyo sa inyong balota. Kung nagbago na ang inyong pinagbobotohang mga distrito, maaaring iba na ang makikita ninyong mga kandidato at labanan sa inyong balota kumpara sa dati.
Sa unang bahagi ng Oktubre, awtomatikong makatatanggap ang bawat lokal na botante ng pakete ng vote-by-mail na balota para sa Nobyembre 8 na Eleksyon. Kasama sa balota ang mga labanan para mapunan ang ilan sa mga pampederal, pang-estado, at panlokal na katungkulan, pati na rin ang ilang panlokal at pang-estadong panukalang-batas. Tanging ang mga balota para sa mga botanteng nakatira lamang sa Superbisoryal na Distrito 2, 4, 6, 8 at 10 ang maglalaman ng labanan para ihalal ang kanilang miyembro ng Lupon ng mga Superbisor. Maghahalal naman sa 2024 ng kanilang mga Superbisor ang mga botanteng nakatira sa Distrito 1, 3, 5, 7, 9 at 11.
Alinsunod sa iniaatas ng batas ng estado, kinailangang ayusin ng Departamento ng mga Eleksyon ang mga hangganan ng mga pinagbobotohang presinto ng San Francisco upang umayon sa mga bagong iginuhit na mga hangganan ng distrito ng mga kinatawan. Bilang resulta ng prosesong ito, maraming botante ang magkakaroon ng mga bagong presinto at bagong itinalagang lugar ng botohan sa Nobyembre 8 na Eleksyon.
Hinihikayat ng Departamento ng mga Eleksyon ang lahat ng mga botante na maging pamilyar sa mga pagbabagong idinulot ng muling pagdidistrito sa pamamagitan ng paghahambing ng kanilang "lumang" 2011 na mga pinagbotohang distrito sa kanilang "bagong" 2022 na mga pinagbobotohang distrito, gamit ang tool sa sfelections.org/myvotingdistrict; o sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga rekurso sa pahinang ito; at pag-sasangguni sa mga opisyal na paunawa ng Departamento ukol sa paksang ito, kabilang ang mga poster, flyer, at mga patalastas sa TV, pahayagan, at radyo, na ipapamahagi sa buong Lungsod sa mga darating na buwan.
May mga tanong ba kayo tungkol sa pagboto para sa Nobyembre 8, 2022 na Eleksyon? Mangyaring tumawag sa amin sa (415) 554-4310, mag-email sa SFVote@sfgov.org, o bumisita sa tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall, Room 48.
Tingnan ang mga Bagong Mapa ng mga Pinagbobotohang Distrito
Magkakaroon ng bisa ang mga sumusunod na mga mapa ng pinagbobotohang distrito sa eleksyon sa Nobyembre 8, 2022:
- Mapa ng San Francisco – Mga Presinto at mga Legislative Districts - Hulyo 2022 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 1 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 2 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 3 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 4 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 5 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 6 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 7 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 8 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 9 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 10 (PDF)
- Mapa ng Supervisorial District 11 (PDF)
Pinaghahambing ng mga mapang ito ang 2022 na “bago” at ang 2011 na “luma” na Superbisoryal na mga Distrito:
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 1 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 2 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 3 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 4 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 5 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 6 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 7 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 8 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 9 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 10 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- Mapa ng Superbisoryal na Distrito 11 “Luma” at “Bago” na mga hangganan (PDF)
- 2022 Supervisorial District GIS files (ZIP)
Para makita ang iba pang mga mapa, magtungo lamang sa aming pahina para sa mga Mapa.
Panoorin ang Presentasyon ukol sa Mga Pagbabago sa Mapa ng Pinagbobotohang Distrito para sa 2022
Ipinapaliwanag ng ito ang mga kamakailang proseso ng estado at lokal na muling pagdidistrito at nagresultang mga pagbabago sa mga hangganan ng mga pinagbobotohang mga distrito ng San Francisco. Nagbibigay din ito ng impormasyon tungkol sa mga magagamit na rekursong makatutulong sa mga botante na maging pamilyar sa mga pagbabago sa kanilang pinagbobotohang mga distrito. presentasyong
Suriin ang Mga Madalas na Itanong Tungkol sa Muling Pagdidistrito
- Alin sa mga hangganan ng pinagbobotohang mga distrito ang nagbago?
Sakop ng mga pinagbobotohang distrito ng San Francisco ang mga distrito para sa Board of Equalization (Lupon ng Tagasingil ng Buwis), State Senate (Senado ng Estado), State Assembly (Asembleya ng Estado), U.S. Congressional (Kongreso ng U.S.), BART Board of Directors (Lupon ng mga Direktor ng BART), at Supervisorial (Superbisoryal) na mga distrito. Bagama’t walang pagbabago sa mga mapa ng Distrito ng Board of Equalization ng San Francisco o ng State Senate ngayong 2022, mayroon namang pagbabago sa mapa ng State Assembly, U.S. Congressional, BART Board, at Supervisorial na mga distrito.
- Kailang magkaka-bisa ang mga bagong mapa ng pinagbobotohang mga distrito?
Sinimulang gamitin ng San Francisco ang mga bagong mapa ng mga Distrito ng Asembleya ng Estado at Kongreso ng U.S. noong Hunyo 7, 2022, Pinagsamang Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon at sisimulan namang gamitin ang mga bagong mapa para sa BART at mga Superbisoryal na Distrito sa Nobyembre 8, 2022, Pinagsamang Pangkalahatang Eleksyon.
- Sino ang gumawa ng mga pagbabago sa mga mapa ng pinagbobotohang distrito?
FKasunod ng paglabas ng datos mula sa 2020 na Senso, muling iginuhit ng California Citizens Redistricting Commission (Komisyon para sa Muling Pagdidistrito ng mga Mamamayan ng California) ang mga pampederal at pang-estado na mga mapa ng pinagbobotohang mga distrito, iginuhit namang muli ng lokal na Redistricting Task Force (Task Force para sa Muling Pagdidistrito) ang mga mapa ng Superbisoryal na Distrito ng Lungsod, at muling iginuhit ng Bay Area Rapid Transit (BART) Board of Directors (Lupon ng mga Direktor ng BART) ang mga mapa ng pinagbobotohan mga distrito ng BART.
- Paano ako maaapektuhan bilang botante ng muling pagdidistrito at pagbabago sa mga presinto?
Dahil ang kombinasyon ng mga pinagbobotohang distrito kung saan kayo nakatira ang tutukoy sa mga kandidato at labanan sa inyong balota, maaaring nag-iba na o tuluyang nawala ang mga kandidatong inaaasahan ninyong makita sa inyong balota sa Nobyembre 8. Dagdag pa rito, nagbago rin ang karamihan sa mga presinto nang dahil sa muling pagdidistrito at maaaring may bago na kayong presinto at itinalagang lugar ng botohan.
- Kailan lalabas sa aking balota ang isang labanan para mahalal ang miyembro ng Lupon ng mga Superbisor?
Ang mga botante na naninirahan sa even-numbered (ibig sabihin, 2, 4, 6, 8 at 10) na Superbisoryal na Distrito ay maghahalal ng kanilang mga Superbisor sa Nobyembre 8, 2022 na eleksyon.
Ang mga botante na naninirahan sa odd-numbered (ibig sabihin, 1, 3, 5, 7, 9 at 11) na Superbisoryal na Distrito ay maghahalal ng kanilang mga Superbisor sa Nobyembre 5, 2024 na eleksyon.
- Paano ko mahahanap ang kasalukuyan kong pinagbobotohang mga distrito at presinto?
Maaari kayong bumisita sa sfelections.org/districts or sfelections.org/voterportal para mahanap ang inyong pinagbobotohang mga distrito at presinto. Maaari din ninyong makita ang nasabing impormasyon sa likod na pabalat ng inyong Pamplet ng Impormasyon para sa Botante, na ipadadala sa inyo sa pamamagitan ng koreo sa unang bahagi ng Oktubre 2022, o sa pakikipag-ugnay sa Departamento ng mga Eleksyon.
Pagsusuri at Pagbibigay Feedback para sa mga Estratehiya sa Pag-Abot sa Komunidad
Magpapatupad ang Departamento ng mga Eleksyon ng marami at iba’t-ibang multilingguwal na estratehiya sa pag-abot sa komunidad upang ipaalam sa mga lokal na residente ang tungkol sa mga pagbabago na dulot ng muling pagdidistrito.
Kasama sa mga estratehiyang ito ang pamamahagi ng mga nakaimprenta at digital na materyales, pakikilahok sa mga kaganapan at forum ng komunidad, opisyal na mga abiso sa koreo at email, mga anunsyo sa print, digital, at social media, mga pagsasahimpapawid sa telebisyon at radyo ng mga anunsyo ng serbisyong pampubliko, at pakikipagtulungan sa mga lokal na nonprofit na organisasyon at mga ahensya ng Lungsod.
Inaanyayahan ng Departamento ng mga Eleksyon ang mga miyembro ng publiko na suriin ang Nobyembre 8, 2022 Election Voter Outreach and Education Plan (makukuha sa Agosto 2022) at magbigay feedback ukol sa mga planong estratehiya sa pag-abot ng Departamento sa pamamagitan ng pag-email sa sfoutreach@sfgov.org, pagtawag sa (415) 554-5685, o pag-iskedyul ng oras para bisitahin ang opisina ng Departamento upang makausap ang isang miyembro ng aming Outreach Team.
May mga tanong pa ba kayo? Tawagan lamang kami sa (415) 554-4310, mag-email sa SFVote@sfgov.org, o bisitahin ang tanggapan ng Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall, Room 48.