Mga Form at Tool
Mahahanap ninyo sa pahinang ito ang maraming mga form pang-eleksyon at mga self-help (nagbibigay ng pansariling tulong) na tool para sa botante. Kung nais ninyong matanggap ang alinman sa mga form sa pamamagitan ng koreo o kung kayo ay may mga katanungan, mangyaring tumawag sa (415) 554-4310, o mag-email sa SFVote@sfgov.org, o gamitin ang aming Form para sa Pakikipag-ugnayan.
Ang mga form na may simbolong
ay kailangang mapirmahan gamit ang panulat at papel (hindi tinatanggap ang elektronikong pirma). Ang mga indibiduwal na hindi makapirma ay maaaring maglagay ng marka at papirmahin sa tabi nito, ang isang saksi na edad 18 taong gulang o higit pa, o gamitin ang kanilang sertipikadong stamp ng lagda.Mga Form para sa Botante at Self-Help Tool
Accessible na Sistemang Vote-by-Mail (Aksesibleng Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo)
Ang mga botanteng may kapansanan at militar at mga botanteng nasa ibang bansa ay maaaring gamitin ang sistemang Accessible Vote-by-Mail (AVBM) para ma-access at mamarkahan ang kanilang mga balota sa pamamagitan ng kagamitang konektado sa internet, gamit ang sarili nilang assistive technology (mga aparatong may teknolohiyang nakatutulong sa mga botanteng nakatatanda o may kapansanan), gaya ng mga screen reader, head-pointer (aparatong pangpindot na nakalagay sa ulo), o sip and puff (kagamitang gumagamit ng presyon ng hangin sa pamamagitan ng paghigop o pagbuga).
Online na Aplikasyon para sa Rehistrasyon ng Kalihim ng Estado ng California
Kumpletuhin ang online form na ito para magpaunang-rehistro, magparehistro, o muling-magparehistro upang makaboto. (Ang mga may lisensya sa pagmamaneho sa California o identification card ng estado ay hindi na kailangan pang mag-print o ipadala sa pamamagitan ng koreo ang online form.)
Form para Humiling ng Emergency Ballot Service (PDF)
Kumpletuhin ang form na ito kung kayo ay hindi makapunta sa isang lugar ng botohan o sentro ng botohan dahil sa karamdaman, kapansanan, o naospital, para i-awtorisa ang ibang tao na ihatid ang inyong balota sa inyo.
Awtorisasyon para sa Pagkuha ng Balota (PDF)
Kumpletuhin ang form na ito para i-awtorisa ang inyong asawa, anak, magulang, lolo o lola, apo, kapatid, o sinumang nakatira sa inyong bahay para mag-pick-up ng isang balotang vote-by-mail at ihatid ito sa inyo.
Tool para Mahanap ang mga PInagbobotohang Distrito
Gamitin ang tool na ito para malaman kung alin sa inyong pinagbobotohang distrito ang magbabago sa 2022 nang dahil sa katatapos lang na senso at proseso ng muling pagdidistrito.
Aplikasyon para sa Federal Post Card: Rehistrasyon ng Botante (PDF, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang form na ito para magparehistro bilang botanteng militar o nasa ibang bansa. Para sa karagdagang impormasyon sa mga botanteng militar at nasa ibang bansa, pumunta sa Pagboto ng Militar at Nasa Ibang Bansa.
Federal Write-In Absentee Form (PDF, sa Ingles lamang)
Maaaring gamitin ng mga botanteng militar at nasa ibang bansa ang form na ito bilang backup na balota kung sakaling wala nang sapat na panahon, bago ang eleksyon, para matanggap at maibalik ang opisyal na balota.
Ang Aking Election Navigator
Gamitin ang tool na ito para planuhin kung paano kayo boboto sa paparating na eleksyon. Magsimula sa pagsagot ng tatlong simpleng tanong para malaman kung handa na kayo sa eleksyon, at suriin ang ibang usapin ukol sa eleksyon.
Form para sa Pagpaparehistro ng mga Hindi Mamamayan para maging Botante (PDF)
Ang form para sa pagpaparehistro na ito ay para lamang sa mga elihibleng hindi mamamayan na nais magparehistro upang makaboto sa Nobyembre 8, 2022, Eleksyon para sa Lupon ng mga Paaralan.
Form ng Notipikasyon Tungkol sa Pumanaw na Botante
Kumpletuhin ang form na ito para ipaalam na ang isang botante ng San Francisco ay pumanaw na (iche-check ng manggagawa ng Departamento ang mga record ng mga pumanaw at susubuking magbigay ng notipikasyon sa botante bago kanselahin ang rehistrasyon ng botante).
Paghiling ng Kanselasyon ng Rehistrasyon bilang Botante
Kumpletuhin ang elektronikong form na ito para kanselahin ang inyong rehistrasyon bilang botante, kung, halimbawa, kayo ay lumipat sa labas ng San Francisco o sa labas ng California. Kailangang i-print at pirmahan ang form.
Humiling na Makatanggap ng mga Materyales na Isinalin sa Ibang Wika
Gamitin ang form na ito para idagdag ang inyong pinapaborang wika sa file ng inyong rehistrasyon bilang botante at para matanggap ang inyong mga materyales sa eleksyon sa inyong pinapaborang wika.
Humiling na Ipahinto o Ipatuloy ang Pagpadala ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante at Halimbawang Balota o Gabay ng Botante sa Pamamagitan ng Koreo
Mag-login sa Portal para sa Botante at pumunta sa tab ng "Ihinto/Ipatuloy ang pagpadala ng mga gabay bilang botante" para hilingin na ihinto ang pagpapadala sa pamamagitan ng koreo ng mga kopya ng lokal na Pamplet ng Impormasyon para sa Botante at pang-estadong Gabay na Impormasyon ng Botante, o hilingin na ituloy muli ang pagpapadala nito.
Form ng Notipikasyon mula sa Pangatlong Panig
Kumpletuhin ang form na ito para ipaalam sa Departamento ng mga Eleksyon na ang isa o higit pang pinadadalhan ng opisyal na sulat sa eleksyon ay hindi na nakatira sa isang espisipikong address.
Form para sa Pagbalik ng Balota (PDF)
Kumpletuhin ang form na ito at sundin ang nakadetalyeng mga instruksiyon para magsumite ng balotang vote-by-mail gamit ang dalawang regular na sobre (ito ay kinakailangan lamang kung hindi ninyo magagamit ang inyong opisyal na pambalik na sobre ng balota).
Panunumpa ng Botante para sa Pagbalik ng Balota sa Pamamagitan ng Fax (PDF)
Maaaring isumite ng mga botanteng militar o nasa ibang bansa ang kanilang mga balota sa pamamagitan ng fax gamit ang form na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa Pagboto ng Militar at Nasa Ibang Bansa.
Form para I-update ang Rekord ng Inyong Rehistrasyon bilang Botante
Kumpletuhin ang elektronikong form na ito para i-update ang inyong pang-koreo o address ng tirahan o para baguhin ang wika o format sa kung paano ninyo natatanggap ang inyong opisyal na balota at iba pang mga opisyal na materyales sa eleksyon. Kailangang i-print at pirmahan ang form.
Portal para sa Botante
Gamitin ang Portal para sa Botante para tingnan ang impormasyon sa inyong rehistrasyon, subaybayan ang inyong vote-by-mail na balota, baguhin ang wika para sa inyong mga materyales sa eleksyon, o mga pinapaborang format, at marami pang iba!
“Where’s My Ballot? (Nasaan ang Aking Balota?)” Tool
Gamitin ang tool na ito upang mag-sign up para makatanggap ng awtomatikong email, SMS (text), o voice call na mga notipikasyon tungkol sa inyong balotang vote-by-mail.
Mga Form at Tool para sa Manggagawa sa Botohan at Naglalaan ng Lugar ng Botohan
Profile ng Field Election Deputy (FED)
Maaaring gamitin ng mga field election deputy ang Portal na ito upang ma-check ang katayuan ng kanilang training at matingnan ang impormasyon tungkol sa kanilang itinalagang lugar ng botohan sa papalapit na eleksyon.
Polling Place Application o Aplikasyon para Mag-host ng Lugar ng Botohan (online form, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang aplikasyong ito para mag-host ng lugar ng botohan sa inyong pag-aari sa San Francisco; maaaring bisitahin ng manggagawa ng Departamento ang lugar upang masiyasat ang pagiging angkop at aksesible nito.
Polling Place Profile o Profile ng Lugar ng Botohan (Portal, sa Ingles lamang)
Maaaring gamitin ng mga host ng lugar ng botohan ang Portal na ito upang matingnan ang katayuan ng pagdeliver ng mga kagamitan sa pagboto at matingnan ang impormasyon tungkol sa kung ano ang dapat asahan sa Araw ng Eleksyon, kabilang na ang mga pagtatalaga ng mga manggagawa sa botohan.
Poll Worker Application o Aplikasyon para Maging Manggagawa sa Botohan (sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang aplikasyon na ito para makapagsilbi bilang manggagawa sa botohan sa susunod na eleksyon.
Poll Worker Profile o Profile ng Manggagawa sa Botohan (Portal, sa Ingles lamang)
Maaaring gamitin ng mga manggagawa sa botohan ang Portal na ito para kumpirmahin ang kanilang availability para makapaglingkod sa susunod na eleksyon at i-check ang katayuan ng kanilang training o pagsasanay at itinalagang lugar ng botohan.
Mga Form sa Pag-Abot sa Komunidad at mga Form para Ipaalam ang Interes na maging Bahagi ng Tagapayong Komite
Form para sa mga Interesado sa Komite ng mga Tagapayo para sa Aksesibilidad sa Wika (Form, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang aplikasyong ito para sumali sa Komite ng mga Tagapayo para sa Aksesibilidad sa Wika (LAAC), na nagtatrabaho para mapabuti pa ang mga serbisyong pang-eleksyon sa mga botanteng ikalawang wika ang wikang Ingles.
Form para sa Paghiling ng Materyales sa Pag-abot sa Komunidad at mga Materyales sa Pagbibigay Impormasyon (Form, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang form na ito para humiling ng mga naimprentang kopya ng mga materyales para sa voter outreach (pag-abot sa komunidad) at mga materyales para sa pagbibigay impormasyon sa botante (e.g., mga polyeto tungkol sa pagboto sa pamamagitan ng pagraranggo, mga mapagkukunan ng impormasyon o tulong para sa aksesibleng pagboto, o pagboto ng mga hindi-mamamayan).
Outreach Events Form o Form para sa mga Kaganapan sa Outreach (sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang form na ito para hilingin sa mga Coordinator ng Departamento sa Outreach na dumalo sa inyong event o pagpupulong sa komunidad o magbigay ng presentasyon sa voter outreach.
Form para sa mga Interesado sa Network ng Tagapayo sa mga Manggagawa sa Botohan (sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang aplikasyong ito para sumali sa Network ng mga Manggagawa sa Botohan, na nagtatrabaho upang mapabuti pa ang mga pagsasanay sa mga manggagawa sa botohan tungkol sa mga paksang tulad ng teknolohiya sa pagboto, mga karapatan ng botante, at customer service.
Voter Registration Card Statement of Distribution o Pahayag tungkol sa Pamamahagi ng Card para sa Rehistrasyon ng Botante (PDF, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang form na ito, na may kasamang listahan ng mga legal na itinatakda, bago ipamahagi ang anumang affidavit ng rehistrasyon.
Form para sa mga Interesado sa Komite ng mga Tagapayo para sa Aksesibilidad sa Pagboto (sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang aplikasyong ito para sumali sa Komite ng mga Tagapayo para sa Aksesibilidad sa Pagboto (VAAC), na nagtatrabaho para mapabuti pa ang mga serbisyong pang-eleksyon sa mga nakatatandang botante at mga botanteng may kapansanan.
Mga Form para sa Kandidato at Serbisyo sa Kampanya
Ballot Argument Assignment Form o Form para sa Pagtatalaga kaugnay sa Argumento sa Balota (PDF, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang form na ito para magtalaga ng karapatang maglathala ng argumento sa balota sa ibang tao o organisasyon na sa ibang kalagayan ay kuwalipikado sa ilalim ng SFMEC 545 o 530 ngunit hindi napili sa pamamagitan ng prayoridad o lot (proseso ng pagpili).
Ballot Argument Consent Form o Form para sa Pagbigay Pahintulot kaugnay sa Argumeto sa Balota (PDF, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang form na ito, kasama ng Control Sheet A (at Control Sheet B kung naaayon), para magsumite ng argumento sa balota na kinabibilangan ng reperensiya sa isang tao o organisasyon na hindi may-akda.
Control Sheet A ng Argumento sa Balota (PDF, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang form na ito para magsumite ng argumento sa balota na ang may-akda ay binubuo ng anumang bilang ng tao o organisasyon. Kung ang argumento ay may higit pa sa isang may-akda, magsumite rin ng Control Sheet B.
Control Sheet B ng Argumento sa Balota (PDF, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang form na ito, kasama ng Control Sheet A, para magsumite ng argumento sa balota na ang may-akda ay higit pa sa isang tao o organisasyon.
Form para sa Appointment para sa mga Kampanya at Kandidato (sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang form na ito para humiling ng appointment sa Campaign Services Division ng Departamento ng mga Eleksyon. Tandaang walang ganoong mga appointment sa mga petsa ng deadline sa pag-fa-file.
Mga Form sa Pagpopondo sa Kampanya
Kailangang magsumite ang mga nag-fa-file na lokal na kandidato at kampanya ng mga form ng Fair Political Practices Commission (FPPC) (Komisyon sa mga Wastong Palakarang Pampulitika ng California); tingnan ang Pagpopondo para sa Kampanya para sa mga instruksiyon.
Miscellaneous
Aplikasyon sa Opisyal na Panel ng mga Taga-Obserba (PDF, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang aplikasyong ito para sumali sa opisyal na Panel ng mga Taga-Obserba sa Eleksyon. Sinumang miyembro ng publiko ay maaaring mag-obserba ng mga proseso sa mga eleksyon, nang personal o sa pamamagitan ng live stream sa Obserbahan ang Proseso ng mga Eleksyon
Aplikasyon para sa Impormasyon sa Rehistrasyon ng Botante (PDF, sa Ingles lamang)
Kumpletuhin ang aplikasyong ito para humiling ng datos sa rehistrasyon ng botante para sa mga pinapayagang layunin.
Feedback Form para sa Imprastraktura ng mga Kahon na Hulugan ng Balota
Ibahagi ang inyong feedback ukol sa imprastraktura ng mga kahon na hulugan ng balota sa San Francisco at mapa ng mga lokasyon.
Survey sa Customer Service (sa Ingles lamang)
Gamitin ang form na ito para magbigay ng feedback sa anumang uri ng serbisyo ng Departamento ng mga Eleksyon.