Mga Serbisyo para sa Kampanya
Pinangangasiwaan ng Departamento ng mga Eleksyon ang opisyal na proseso ng pag-file (paghahain ng kandidatura) para sa mga kandidato at mga panukalang makikita sa balota, para sa pagpapasya ng mga botante ng San Francisco. Maaari namin kayong tulungan kaugnay sa pagtakbo para sa isang katungkulan, sa paglagay ng panukala sa balota, sa pagsumite ng argumento para mailathala ito sa Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ng San Francisco, o sa pag-file ng ilang mga report tungkol sa pagpopondo para sa kampanya. Bukod dito, minementena rin ng Departamento ang mga pampublikong dokumento ng kasalukuyan at mga nagdaang eleksyon, na maaaring makita at makopya sa tanggapan ng Departamento.
Para sa karagdagang impormasyon, o para humiling ng tulong sa pag-file, makipag-ugnayan sa amin sa (415) 554-4375 o gamitin ang aming appointment form.
Iniimbitahan ang mga kandidato na naka-kompleto ng kanilang paghahain ng papeles para sa nominasyon at mga nagsumite ng mga argumento para sa mga panukalang-batas sa balota, na kompletuhin itong maikli at walang pagkakakilanlan na survey upang ibahagi ang kanilang mga karanasan sa mga proseso ng paghahain at sa pangkalahatang antas ng serbisyong pang-customer.
Impormasyon para sa mga interesadong kumandidato para sa isang katungkulan Mga Panukala
Impormasyon para sa mga naghahangad na maglagay ng isang inisyatiba, para sa pagpapasya ng mga botante, o interesado sa katayuan ng mga lokal na panukala Mga Argumento sa Balota
Impormasyon para sa mga naghahangad na magsumite ng mga argumentong pabor o laban sa isang panukala sa balota, na ilalathala sa Pamplet ng Impormasyon para sa Botante Pagpopondo para sa Kampanya
Impormasyon para sa mga kandidato at mga kampanya tungkol sa mga dokumentong nagsisiwalat ng impormasyong kaugnay sa pagpopondo Mga Pinapahintulutan at Ipinagbabawal na Gawain sa Eleksyon
Impormasyon tungkol sa mga gawaing pinahihintulutan at ipinagbabawal sa mga botohan