Mga Susunod na Eleksyon
Noong Nobyembre 2022 eleksyon, ipinasa ng mga botante ng San Francisco ang Proposisyon H, isang pag-amyenda sa Tsarter na maglilipat sa petsa ng mga lokal na eleksyon sa mga taon na may bilang na even. Sa ilalim ng bagong iskedyul ng eleksyon, ang mga eleksyon para sa Mayor, Sheriff, Abugado ng Distrito, Abugado ng Lungsod, at Tesorero ay gaganapin na sa Nobyembre nang mga taon na para sa eleksyon sa pagkapangulo, habang ang mga eleksyon para sa mga lokal na panukala sa balota ay gaganapin lamang sa mga taon na may bilang na even o sa mga espesyal na eleksyon.
Nakalista sa ibaba ang listahan ng mga nakatakdang eleksyon na gaganapin sa Lungsod at County ng San Francisco sa susunod na apat na taon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga susunod na eleksyon, makipag-ugnayan sa amin gamit ang aming contact form o tumawag sa amin sa (415) 554-4375.
Marso 5, 2024, Primaryang Eleksyon para sa Pagkapangulo
Mga katungkulang nominado ng partido
- Presidente
Mga komite ng partido
- Sentral na Komite ng County
Mga katungkulang nominado ng botante
- Senador ng Estados Unidos
- Kinatawan sa Kongreso ng Estados Unidos, Distrito 11 at 15
- Senador ng Estado, Distrito 11
- Miyembro ng Asembleya ng Estado, Distrito 17 at 19
Mga katungkulang hindi makapartido
- Mga Hukom ng Korte Superyor ng San Francisco
Mga pang-estado at lokal na panukala sa balota
Nobyembre 5, 2024, Pangkalahatang Eleksyon
Mga katungkulang nominado ng partido
- Presidente at Bise Presidente
Mga katungkulang nominado ng botante
- Senador ng Estados Unidos
- Kinatawan sa Kongreso ng Estados Unidos, Distrito 11 at 15
- Senador ng Estado, Distrito 11
- Miyembro ng Asembleya ng Estado, Distrito 17 at 19
Mga katungkulang hindi makapartido
- Mayor
- City Attorney (Abugado ng Lungsod)
- District Attorney (Abugado ng Distrito)
- Sheriff
- Treasurer (Ingat-Yaman)
- Lupon ng mga Superbisor, Distrito 1, 3, 5, 7, 9 at 11
- Lupon ng Edukasyon, 4 na puwesto
- Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad, 4 na puwesto
- Lupon ng BART, Distrito 7 at 9
Mga pang-estado at lokal na panukala sa balota
Hunyo 2, 2026, Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon
Mga katungkulang nominado ng botante
- Gobernador
- Tenyente Gobernador
- Kalihim ng Estado
- Kontroler
- Ingat-Yaman (estado)
- Pangkalahatang Abugado
- Komisyonado ng Seguro
- Miyembro ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis, Distrito 2
- Senado ng Estados Unidos
- Kinatawan sa Kongreso ng Estados Unidos, Distrito 11 at 15
- Miyembro ng Asembleya ng Estado, Distrito 17 at 19
Mga katungkulang hindi makapartido
- Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo ng Estado
Mga pang-estado at lokal na panukala sa balota
Nobyembre 3, 2026, Pangkalahatang Eleksyon
Mga katungkulang nominado ng botante
- Gobernador
- Tenyente Gobernador
- Kalihim ng Estado
- Kontroler
- Ingat-Yaman (estado)
- Pangkalahatang Abugado
- Komisyonado ng Seguro
- Miyembro ng Lupon ng Tagasingil ng Buwis, Distrito 2
- Senado ng Estados Unidos
- Kinatawan sa Kongreso ng Estados Unidos, Distrito 11 at 15
- Miyembro ng Asembleya ng Estado, Distrito 17 at 19
Mga katungkulang hindi makapartido
- Tagatasa-Tagatala
- Pampublikong Tagapagtanggol
- Lupon ng mga Superbisor, Distrito 2, 4, 6, 8 at 10
- Superintendente ng Pampublikong Pagtuturo ng Estado
- Lupon ng Edukasyon, 3 na puwesto
- Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad, 3 na puwesto
- Lupon ng BART, Distrito 8