Pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall - Bago o sa Araw ng Eleksyon

 Entrance of City Hall with sign advertising Voting Center

 

Matatagpuan ang Sentro ng Botohan sa unang palapag ng City Hall (1 Dr. Carlton B. Goodlett Place) at ito’y bukas para sa pagboto nang personal at paghuhulog ng balota simula apat na linggo bago ang Araw ng Eleksyon.

Lunes hanggang Biyernes, maaaring gamitin ng mga botante ang alinman sa mga aksesibleng pasukan ng gusali sa may Grove Street, Dr. Carlton B. Goodlett Place (Polk Street), McAllister Street, at Van Ness Avenue.

Sa Sabado at Linggo, maaaring pumasok ang mga botante gamit ang alinman sa mga pasukan sa may Grove Street o sa may McAllister Street.

Kung plano ninyong bumoto sa Sentro ng Botohan, inaanyayahan naming kayong suriin ang pahinang ito at makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon para sa anumang katanungan.

Mga Oras ng Pagboto at Paghuhulog ng Balota

Simula apat na linggo bago ang Araw ng Eleksyon, magbubukas ang Sentro ng Botohan sa City Hall para sa pagboto at paghuhulog ng balota sa sumusunod na mga oras:

  • Lunes hanggang Biyernes, mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.
  • Sa huling dalawang Sabado at Linggo bago ang Araw ng Eleksyon, mula 10 a.m. hanggang 4 p.m.
  • Sa Araw ng Eleksyon, mula 7 a.m. hanggang 8 p.m.

Mga Nakahandang Tulong na Magagamit sa Sentro ng Botohan

Magbibigay ng mga balota at mga serbisyo ang Sentro ng Botohan sa City Hall sa lahat ng residente ng Lungsod na nais makakuha o maihulog ang kanilang mga balotang vote-by-mail, magparehistro upang makaboto (bago o pagkatapos ng deadline ng rehistrasyon), makakuha ng tulong sa personal, makagamit ng mga accessible na aparato sa pagboto, makakuha ng pamalit na balota, o makaboto nang personal.

Magaalok rin ang mga Sentro ng Botohan sa City Hall ng mga aksesibleng kagamitan sa pagboto tulad ng mga lente para sa mga pahina, panghawak ng panulat, at pagboto nang nakaupo, pati na rin ang mga aksesibleng aparato na pang-marka ng balota na may touchscreen/audio na format at tugma sa mga personal na aparatong pantulong.

Sinumang botante ay maaaring humiling na bumoto sa “gilid ng daan” sa Sentro ng Botohan sa pamamagitan ng pagtawag sa (415) 554-4310 o makiusap sa isang kasama na pumasok sa sentro ng botohan para humiling na padalhan ang botante sa labas ng mga materyales na pang-boto.

Karaniwang Pagboto

Para sa karamihan ng mga taga-San Francisco, ang pagboto sa sentro ng botohan ay may tatlong pangunahing mga hakbang: Una, ibibigay ng mga botante ang kanilang impormasyon sa isang kawani ng sentro ng botohan at ipabatid kung mas gusto nilang bumoto sa sentro ng botohan o kung kukuhanin muna ang balota para bumoto sa ibang lugar, at babalik na lang sa ibang oras. Pangalawa, hahanapin ng kawani ng sentro ng botohan ang botante sa database ng rehistrasyon at bibigyan sila ng opisyal na balota kasama ng pambalik na sobre, mga instruksiyon sa pagboto, at ang “Bumoto Ako!” na sticker. Pangatlo, mamarkahan ng botante ang kanilang balota sa sentro ng botohan at ihuhulog ito sa pulang kahon para sa mga balota, o maaari ding kunin nila ang kanilang balota upang bumoto at bumalik sa ibang pagkakataon.

Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante at Probisyonal na Pagboto

Kung ang botante ay hindi rehistrado saanman sa San Francisco, hindi maililista ang kanilang pangalan sa database ng mga rehistrasyon. Sa pagkakataong iyon, maaring piliin ng botante na kondisyonal na magparehistro at makaboto nang probisyonal. Kung ang botante ay elihibleng makaboto sa San Francisco, bibilangin ng mga kawani ng Departamento ang kanilang probisyonal na balota matapos maproseso ang impormasyon sa kanilang form para sa kondisyonal na pagpaparehistro. Bisitahin ang pahinang Kondisyonal na Pagpaparehistro ng Botante at Probisyonal na Pagboto para sa karagdagang impormasyon.

Kung ang rekord ng rehistrasyon ng botante ay hindi naglalaman ng impormasyon ng pagkakakilanlan, o kaya’y boboto sila sa pampederal na eleksyon sa unang pagkakataon, hihingan ng kawani ng sentro ng botohan ang botante ng kanilang identipikasyon na may larawan o impormasyon ukol sa kanilang tirahan (karamihan ng botante ay mayroon nang nasabing impormasyon sa kanilang rekord bilang botante, at hindi na hihingan ng identipikasyon). Kung ang botante ay hindi nakapagbigay ng ID, maaari pa rin silang probisyonal na makaboto sa eleksyon. Bisitahin ang HAVA Mga Batayan sa Identipikasyon ng Kalihim ng Estado ng California para sa karagdagang impormasyon.