Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Rehistrasyon
Alamin kung sino ang maaaring magparehistro, kung paano magparehistro, kung kailan magpaparehistro, at kung ano ang dapat ninyong asahan matapos ninyong isumite ang inyong aplikasyon para sa pagpaparehistro sa Departamento ng mga Eleksyon. Para i-check kung kayo ay kasalukuyang nakarehistro para bumoto sa San Francisco, gamitin ang Voter Portal (Portal para sa Botante).
Mga Kuwalipikasyon para Makaboto
Para magparehistro upang makaboto sa San Francisco, kailangang kayo ay:
- Mamamayan ng Estados Unidos
- Residente ng San Francisco
- Nasa edad 18 taong gulang o higit pa* bago o sa araw ng eleksyon
- Hindi nakakulong sa kulungang pederal o ng estado dahil sa hatol na peloni
- Hindi napatunayan ng isang hukuman na kasalukuyang wala sa maayos na katinuan ang pag-iisip
Inamyendahan ng pagpasa sa Proposisyon 17 noong Nobyembre 2020 na eleksyon ang Konstitusyon ng estado para pahintulutan ang mga karapat-dapat na residente na nasa parol na magparehistro upang makaboto.
*Kung residente kayo ng San Francisco na nasa edad 16 o 17 taong gulang, maaari na kayong magparehistro para makaboto. Magiging aktibo ang inyong rehistrasyon sa inyong ika-18 kaarawan hangga’t natutugunan ninyo ang lahat ng iba pang mga kuwalipikasyon para sa rehistrasyon. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang pahina tungkol sa aming Mga Programa para sa High School.
Paano Magparehistro para Makaboto
Online, gamit ang . Kung wala kayong pirma sa file ng Department of Motor Vehicles (DMV) (Kagawaran ng mga Sasakyang De-Motor), kailangan ninyo muling i-print, pirmahan, at ipadala ang aplikasyon. Online na Aplikasyon para sa Rehistrasyon ng Kalihim ng Estado ng California
Sa papel, gamit ang Aplikasyon para sa Pagpaparehistro ng Botante. Para makatanggap ng papel na aplikasyon para sa rehistrasyon sa koreo, makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon gamit ang aming contact form o tumawag sa (415) 554-4310. Para sa inyong kaginhawahan, makakukuha din ng mga Aplikasyon para sa Pagpaparehistro ng Botante sa inyong lokal na post office, sa sangay ng Pampublikong Aklatan ng San Francisco, o sa opisina ng DMV.
Kailan Dapat Magparehistro para Makaboto
Kung hindi kayo nakarehistro sa San Francisco
Ang deadline para magparehistro upang makaboto ay 15 araw bago ang isang eleksyon.
Kung hindi kayo nakapagparehistro bago o sa deadline ng rehistrasyon, mayroon pa rin kayong opsiyon para magparehistro at makaboto. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang pahina tungkol sa Probisyonal na Pagboto.
Kung kasalukuyan kayong nakarehistro sa San Francisco
Muling magparehistro upang makaboto para i-update ang inyong kinakatigang politikal na partido, pangalan, o pirma na nasa file ng Departamento. Ang deadline para i-update ang rekord ng inyong rehistrasyon ay 15 araw bago ang isang eleksyon. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang pahinang Gumawa ng mga Pagbabago sa Rekord ng Inyong Rehistrasyon.
Para i-check kung kayo ay kasalukuyang nakarehistro para makaboto sa San Francisco, gamitin ang Voter Portal (Portal para sa Botante) .
Ano ang Dapat Asahan matapos kayong Magparehistro para Makaboto
Matapos ninyong isumite ang inyong kinumpletong aplikasyon para sa pagpaparehistro, mangyaring magpahintulot ng tatlong araw ng negosyo para sa pagproseso. Para i-check ang katayuan ng inyong rehistrasyon bilang botante, gamitin ang Voter Portal (Portal para sa Botante).
Matapos maiproseso ang inyong aplikasyon, padadalahan kayo ng Departamento ng Kard ng Notipikasyon bilang Botante bilang kumpirmasyon ng inyong rehistrasyon bilang botante. Mangyaring magpahintulot ng dalawa hanggang tatlong linggo para sa pagpapadala sa koreo.
Pagkatanggap ninyo ng Kard ng Notipikasyon bilang Botante, mangyaring suriin ang nakasulat na impormasyon para tiyakin kung ito ay tama. Kung makakita kayo ng anumang mga kamalian, mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang aming contact form o tumawag sa (415) 554-4310.